... aba, magpapagupit ako!
***
Mula sa SONA - Bumaba daw ang inflation? Ang unemployment? In fact, this is the best time daw for the economy in five presidencies? Ano daw? Hello? Saang Pilipinas yan Gloria? I don't think it's the Philippines I'm living in. Baka alternate reality yan kasi yung Pilipinas na ginagalawan ko ay mahirap. At patuloy na naghihirap dahil ikaw ang nakaupo. 'Wag tayo maggaguhan ha?
***
Mula sa New York at Washington - "I didn't pay for those dinners!" Talaga lang ha? Well, according to this columnist I read, aba, graft pa rin daw ang tumanggap ng gifts over a certain amount. And I think a P1 million dinner is WAY over that amount.
Aba, at dapat daw magpasalamat tayo dahil limpak-limpak na investments daw ang dinudulot ng pagje-jet-setting ni Madam President. Ows. E bakit according to a recent report I read, one of the ten hardest places in the world to set up a business daw ang Pilipinas? At according to yet another recent business-investment-ranking-survey thingy, the Global Competitiveness Index na ginagawa ng World Economic Forum, e lalong bumaba ang ranking ng Pilipinas dahil sa (guess what?) CORRUPTION! How surprising.
Number 87 daw tayo down from 71 last year. Nag-drop. Again. As usual.
At kung totoo man na maraming nag-i-invest dito dahil sa paggagala ni Madam President, bakit, nakakakain ba ang investor confidence hmmm? I believe we have one of the highest hunger incidences in the history of the country now. So, kung totoo man na dumadagsa ang mga dayuhan dito para magpatayo ng pabrika at kung anu-ano pa, e wala pa rin ito sa mga nagugutom nating mga kapatid.
***
Mula sa California at New York - Aber! At may bahay ang magkapatid na Arroyo sa Istates-side! At hindi ma-explain ni Mikey Arroyo kung bakit! In fairness kay Mikey, matapang siya. Ayaw niya ng phone patch. Gusto niya talaga live, in-studio, with (wait for it...)
Winnie Monsod! O baka bobo lang talaga siya...
Kasi naman hijo, don't lie about money to an economist! Bobo! At least yung nanay mo magaling magsinungaling kaya di nahuhuli. E ikaw, mana ka ata sa ama mo. Tsk tsk. I can just see Gloria slapping her forehead in frustration while watching that interview.
Hindi mo napanood? Dahil mahal ko kayo,
etong sa 'yo!***
Segue muna - Hindi ba na-pi-piss off ang mga Kano na palaging nadadawit ang pangalan ng bansa nila sa mga iskandalo ng Presidente? Mukhang mahilig ata talagang magkalat sa States ang Pamilyang Arroyo. Curious lang.
***
Meanwhile, hindi daw makahanap ng candidate ang administrasyon for next year. Si Gibo lang at si Bayani ang pagpipiliin na, if we go by surveys, e hindi ata alam ng mayorya ng taumbayan na nag-e-exist sila. At ilang pa raw si Kabayan na sumali sa kanila. Edi good! Kung suswertehin tayo, mangyayari sa kanila ang nangyari sa oposisyon last elections, na natalo dahil watak-watak at walang ma-put forward na isang kandidato lang.
Sana nga mangyari yun, para hindi na natin kakailanganin na pakinggan pang muli ang mga kwentong barbero ng Pamilyang Arroyo. Leche.